Published
1 year agoon
Hindi parin natatagpuan ang isang Grade 6 student sa President Roxas, Capiz matapos itong malunod umano sa ilog na konektado sa dam kahapon ng hapon. Ang nasabing biktima ay kinilala lamang sa palayaw na alyas Esing, estudyante ng President Roxas East Elementary School.
Napag-alaman na kasama ng biktima ang dalawa niyang kaibigan para manguha sana ng gagamba malapit sa ilog na konektado sa dam. Nadulas umano ang biktima sa ilog ng Brgy. Carmincita na konektado sa dam ng Capiz Sugar Central Inc. at nalunod. Hindi na ito nakita pa.
Pinaniniwalaang tinangay ito ng malakas na agos ng tubig. Simula kahapon hanggang ngayong buong araw ay pinaghahanap ng mga rescuer ang bata pero negatibo parin ang resulta.
36 anyos na babae arestado sa pagtutulak ng iligal na droga sa Roxas City
7 babae arestado dahil sa pagsusugal sa Roxas City
19 anyos na lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa isang sasakyan
4 lalaki arestado sa iligal na pagsasabong sa Pilar, Capiz
51 anyos na babae arestado sa kasong Estafa
21 sachet ng ‘shabu’ narekober sa isang drug suspect sa Pontevedra, Capiz