Connect with us

Aklan News

2 MOTORISTA, SUGATAN SA AKSIDENTE

Published

on

Lezo, Aklan – Lumanding sa ospital ang parehong drayber ng motor na nagbanggan kagabi sa Brgy. Tayhawan, Lezo.

Nangyari ang insidente ala-5:30 kagabi kung saan nakilala ang mga biktimang sina Ruel Bernabe, 38 anyos at lalaking nakilala lamang sa ngalan na Pepe Malik, 73, kapwa mga residente ng nabanggit na lugar.

Salaysay ng mga biktima, mula si Bernabe sa Bubog, Numancia at pauwi na sana nang aksidenteng makabanggaan ang kasalubong na si Malik.

Nagtamo ng bali sa kanang binti si Bernabe habang bali rin ang kaliwang kamay ni Malik.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *