Connect with us

Aklan News

NAGMOMOTORSIKLONG BINATA, NA HIT AND RUN NG TRAYSIKEL

Published

on

Sugatan ang isang 16 anyos na binata matapos umanong ma hit and run ng traysikel bandang alas 2:00 kaninang madaling araw sa Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Jian Jiv Protacio Cabal ng Oyotorong St., Poblacion, Kalibo habang hindi na nakilala ang driver ng nakabanggang traysikel.

Base sa imbistigasyon ng pulis, papuntang D.Maagma St. ang biktima nang mabangga ng nasabing traysikel.

Dahil dito, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang biktima at bumangga sa footwalk rason na tumumba at nagtamo ng sugat sa katawan.

Kaagad siyang dinala at ginamot sa ospital, habang kaagad tumakas ang driver ng traysikel.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *