Aklan News
Kalibo ‘Low Compliance’ sa Road Clearing Ops ng DILG

Published
1 year agoon

Kalibo, Aklan – Nakatanggap ng low compliance rating sa road clearing operations ng Department of Interior and Local (DILG) ang Local Government Unit (LGU) Kalibo.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga local government na linisin ang lahat ng sagabal sa daan sa loob ng 60 araw.
Nakakuha rin ng low compliance rating ang mga bayan ng Banga, Malinao at Numancia.
Samantala, kabilang sa mga nakasungkit ng high compliance ang bayan ng New Washington, Balete, Libacao, Madalag, at Malay.
Nasa medium compliance naman ang mga bayan ng Altavas, Batan, Buruanga, Ibajay, Lezo, Makato, Nabas, at Tangalan.
Sa isinagawang pag-validate ng DILG sa kabuuang 1,245 LGUs, bagsak ang grado ng 97 at nakatakda na silang sampahan ng kaso.
Matatandaan na nagbigay ang DILG ng direktiba sa lahat ng LGUs na sumunod sa naging State of the Nations Address ng Pangulong Rodrigo Duterte na dapat maibalik ang mga lansangan sa publiko.
You may like
-
4 KATAO KABILANG ANG 1 MENOR-DE-EDAD, KALABOSO SA ILEGAL NA SUGAL
-
RIDER NG MOTORSIKLO, BUMANGGA SA NAKAPARADANG TRUCK, PATAY
-
COVID CASES SA KALIBO, TUMAAS NA NAMAN
-
3 SUGATAN SA MAGKAHIWALAY NA AKSIDENTE SA KALSADA
-
WANTED SA MURDER NA MENOR DE-EDAD SUMUKO SA KAPULISAN
-
DRY RUN NG RE-ROUTING AT PAY PARKING, SISIMULAN NA NGAYONG ARAW