Connect with us

Aklan News

PLANONG PAGTATAYO NG SCHOOL BUILDING SA BRGY. BATO, ROXAS CITY INUUSISA

Published

on

ROXAS, City – Kinuwestiyon ni Konsehal Midelo Ocampo ang planong pagtatayo ng school building sa Brgy. Bato, Roxas City.

Sa kanyang privilege speech sa council session nitong Martes, sinabi ng opisyal na ang nasabing proyekto ay may nakalaan na na mahigit Php7,000,000.

Ipinagtataka umano ng mga tao roon kung bakit hanggang ngayon ay wala paring nasisimulang gusali para sana sa Elementary School sa nasabing lugar.

Aniya malaking tulong ang nasabing proyekto para sa mga residente roon para hindi na maglakad pa ang kanilang mga anak para makapag-aral sa kabilang barangay.

Kaugnay rito, nakahanda naman ang Committee on Infrastructure na usisain sa Engineering Office ang nasabing proyekto.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *