Aklan News
ILANG PAKETE NG LONGGANISA, KINUMPISKA SA CULASI PORT KASUNOD NG PANGAMBA SA ASF

Published
1 year agoon

Nasa anim na pakete ng longganisa ang kinumpiska ng Bureau of Animal Industry – Capiz sa Culasi Port kasunod ng pangamba sa African Swine Flu (ASF).
Ang nasa pitong kilo ng longganisa ay naharang ng mga otoridad araw ng Miyerkules mula sa isang pasahero ng MV St. Augustine of Hippo sang 2Go.
Ayon sa mga otoridad, wala umanong maipakitang permit ang nasabing pasahero bagay na kinumpiska ang mga dala niyang longganisa.
Nabatid na galing Manila ang nasabing pasahero at sumakay ng barko mula Batangas Port patungong Culasi Port dito sa lungsod ng Roxas.

Minabuti ng mga otoridad na ilibing ang mga nasabing produkto para masiguro na hindi makapasok sa probinsiya ang pinangangambahang sakit.
You may like
-
36 anyos na babae arestado sa pagtutulak ng iligal na droga sa Roxas City
-
7 babae arestado dahil sa pagsusugal sa Roxas City
-
19 anyos na lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa isang sasakyan
-
4 lalaki arestado sa iligal na pagsasabong sa Pilar, Capiz
-
51 anyos na babae arestado sa kasong Estafa
-
21 sachet ng ‘shabu’ narekober sa isang drug suspect sa Pontevedra, Capiz