Connect with us

Aklan News

BABAENG NAGSUOT NG SEXY THONGS SA BORACAY HABANG NAG-GAGALA, PINAGMULTA

Published

on

Boracay island – PINAGMULTA ng LGU Malay ang Taiwanese National na nag gala sa Boracay na ang suot ay halos kita na ang kanyang pagkababae.

Ito ay matapos mag viral at pinagpyestahan ng mga netizens sa social media ang pictures nito na kuha ng mga nakakita sa kanya.

Napag alaman na dumating sa Boracay noong nakaraang araw ng myerkules si Lin Tzu Ting, 26 na taong gulang, kasama ang kanyang boyfriend.

Nag-gala sila sa station 1 beachfront na nakasuot lang ng tinatawag na sexy thongs si Lin ngunit punagkaguluhan sila ng mga tao at kinunan ng litrato.

Kahapon ay nagsuot uli ito ng sexy thongs at doon naman nag gala sa Puka Beach na nakunan na naman ng larawan.

Ipinost sa social media ang nasabing mga larawan at nakarating sa atensyon ng nga otoridad.

Inimbitahan ang magkasintahan sa police station at pinaliwanagan sa pangyayari.

Idinahilan dito ng taiwanese na hindi nya alam na bawal ang kanyang ginawa at dahik dito ay pinagmulta sya ng 2,500 pesos.

Samantala, inaalam din ng kapulisan kung sino ang mga unang nag upload ng mga litrato at posibleng sampahan ng kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *