Connect with us

Aklan News

APAT ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA BUY BUST OPERATION SA ROXAS CITY

Published

on

Arestado ang apat na katao sa magkahiwalay na buy bust operation na ikinasa ng Roxas City PNP ngayong araw.

Sa isang operation naaresto ng kapulisan ang maglive-in partner na sina Arthur Inocencio, 33-anyos, isang kusinero, at Paulin Paraiso, 19, parehong residente ng Brgy. Inzo, Roxas City.

Arestado rin ang kasama nila na si Welbert Antonino, 33, isang vendor, at residente ng Barangay 8.

Nasabat sa operasyon ang siyam na sachet ng pinaghihinalaang shabu, Php500 buy bust money at dalawang cellphone at mga drug paraphernalias.

Samantala, sa isa pang operasyon arestado naman si Randy Lara, 46, isang construction worker, residente ng Brgy. Punta Tabuc.

Ikinasa ang operasyon sa isang boarding house sa Barangay 9 kung saan nasabat sa kanya ng kapulisan ang walong sachet ng pinaniniwalaang shabu, Php500 buy bust money, isang cellphone at mga drug paraphernalias.

Nasa kostudiya ngayon ng Roxas City PNP ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *