Connect with us

Aklan News

PAGPAPATUPAD NG CURFEW PARA SA MGA MENOR DE EDAD SA ROXAS CITY IPINABABALIK NG KONSEHAL

Published

on

Roxas City – Ipinababalik ni konsehal Moring Gonzaga ang pagpapatupad ng curfew ordinance sa mga menor de edad sa lungsod ng Roxas, Capiz.

Ito ang kaniyang ipinahayag sa kanyang privilege speech sa regular session ng City Council kasunod ng kaniyang mga naobserbahan sa kaniyang pag-iikot sa gabi.

Madalas umano niyang nakikita ang mga menor de edad sa plaza, Roxas Avenue, Legaspi St., Magallanes St., at McKinley St.

Ilan umano sa mga menor de edad na ito ang nag-iinuman sa mga 24/7 establishment. Marami aniya sa mga business establishment na ito ang di pa nakakarenew ng mga permit.

Ikinabahala niya ang posibleng pambubugaw sa mga menor de edad.

Kaugnay rito nanawagan siya sa City Health Office, CSWDO, PNP, at Licensing Office na magsagawa ng imbestigasyon at ipinababalik ang ordinansa para sa mga menor de edad.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *