Connect with us

Aklan News

LASING NA NANAKSAK NG GUWARDIYA, ARESTADO

Published

on

Kalibo, Aklan – Arestado ang isang lasing matapos umanong saksakin ang isang chief security bandang alas 4:30 sa Andagao, Kalibo.

Nakilala ang suspek na si Ivan Belarmino, 18 anyos ng Ilang-ilang Road, Andagao habang nabatid na chief security ng ANHSAT o Aklan National High School for Arts and Trades ang biktimang si Ryan Orbista Nervar, 29 anyos ng Daguitan, Madalag.

Base sa pahayag ng guwardiya sa pulis, tinawag siya ng lasing na suspek na nakatayo sa labas ng gate ng nasabing eskwelahan.

Nilapitan niya umano ito at tinanong, subali’t umano nito maintindihan ang sagot ng lasing.

Napansin umano niya na may kutsilyong hawak ang suspek at bigla na lamang siya nitong sinaksak.

Maswerte namang naiwasan ito ng guwardiya.

Tyempo namang napadaan ang dalawang Kalibo police sa lugar, rason na naaresto ang suspek habang hawak-hawak pa nito ang kutsilyo.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station habang inihahanda ang kasong Attempted Homicide na isasampa sa kanya ngayong araw.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *