Connect with us

Aklan News

LALAKE, TIMBOG SA BUY BUST

Published

on


Numancia, Aklan – Arestado ang isang lalaki sa buy bust operation alas 2:20 kaninang madaling araw sa Bulwang, Numancia.

Nakilala ang suspek na si Joseph Ticar Franco alyas ‘Otip’, 34 anyos ng Gen.Luna St., Poblacion, Kalibo.

Sa nasabing buy bust operation na ikinasa ng PDEU o Provincial Drugs Enforcement Unit, narekober mula sa suspek ang 2 sachets ng hinihinalang shabu kapalit ng P5,000.00 na buy bust money.

Kinumpirma mismo ni Police Major Frensy Andrade, Chief ng PDEU na dati nang nahuli dahil din sa ilegal na droga ang suspek.

Samantala iginiit naman ng suspek na pinagtulungan siyang bugbugin ng mga lalaking nakasibilyan at naka takip ang mukha, at wala naman umanong nakuhang droga sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *