Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTOR NABANGGA NG SUV, SUGATAN

Published

on

Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos umanong mabangga ng SUV bandang alas 7:50 nitong umaga sa highway ng Linayasan, Altavas.

Nakilala ang biktimang si Jereco Gervacio Boctoy, 18 anyos ng Talon, Altavas at ang driver ng Toyota Fortuner na si Federicko Quimpo Pan, 55 anyos ng Poblacion, Altavas.

Base sa imbistigasyon ng Altavas PNP, parehong papunta sa direksyon ng Kalibo ang motorsiklo at SUV, subali’t bigla umano itong lumiko pakaliwa, rason na nabangga niya ang motorsiklo.

Resulta, tumumba sa kalsada ang motorsiklo at nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima.

Kaagad siyang dinala sa Altavas Hospital habang pansamantalang ikinostodiya ng Altavas PNP ang motorsiklo at SUV para sa karampatang disposisyon.

Sinasabing nagka areglo naman ang magkabilang panig matapos ang aksidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *