Connect with us

Aklan News

KUYA, TINAGA NG KAPATID

Published

on

Malinao, Aklan – Tinaga ng nakababatang kapatid ang kanyang kuya kahapon mga alas 5 ng hapon sa Brgy. Kinalangay Viejo, Malinao.

Nakilala ang biktima na si Alvin Albacino Icayan, 34, na nagtamo ng sugat sa kaliwang katawan.

Nakilala naman ang suspek na kapatid nito na si Ariel Albacino Icayan, 26 anyos.

Sa imbestigasyon ng Malinao PNP nag inuman ang magkapatid sa kanilang bahay kasama ang isa pang kapatid at isang pinsan ng magkaroon ng mainitang diskusyon na ikinagalit umano ni Ariel dahilan upang tagain nito ang nakakatandang kapatid na si Alvin.

Sa ngayon patuloy pa ang manhunt operation ng kapulisan sa suspek na tumakas pagkatapos ng insidente.

Samantala, patuloy namang naka confined sa provincial hospital ang biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *