Connect with us

Aklan News

DALAWANG LALAKI KULONG MATAPOS MAHULIHAN NG BARIL AT KUTSILYO

Published

on

Nabas, Aklan – Inaresto ng Nabas PNP ang dalawang lalaki matapos makuhaan ng baril at kutsilyo kagabi sa Barangay Solido, Nabas.

Nakilala ang mga suspek na sina Orlan Orcajada, 38 anyos at Bartolome Ambay, 34 anyos at parehong residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Police Corporal Andrew Andrade ng Nabas PNP, na nakatanggap sila ng tawag mga dakong 11:25 kagabi na merong gulong nangyari sa Hot Line KTV bar sa Barangay Pinatuad, Nabas.

Napansin umano ng mga rumesponding pulis  ang dalawang suspek sa madilim na  bahagi ng national highway ng Brgy. Solido na kahinahinala ang kilos kaya agad nila itong sinita.

Agad nakita ni PSSgt Zolina si Orcajada na may kinuha ito sa kanyang baywang at tinapon.

Narekober ng mga pulis ang isang armscor 38 revolver na may limang bala, samantalang nakuha naman sa posisyon ni Ambay ang isang kutsilyo kaya agad silang inaresto at dinala sa nabas PNP.

Sa ngayon ay pansamantalang nakakulong sa Nabas PNP Ang mga suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *