Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG ROBBERY, ARESTADO

Published

on

Makato, Aklan – Sinalakay kahapon ng kapulisan ang isang bahay bitbit ang warrant of arrest laban kay Serafin Atillano Jr., 25 anyos ng Brgy. Dumga, Makato.

Inaresto si Atillano sa bisa ng mandamiento de aresto na inisyu ni Judge Jimena Abellar-Arbis ng RTC-6 Branch-6 ng Kalibo, Aklan na may petsang Setyembre 23, 2019 sa kasong Robbery.

 Itinalaga ng korte ang kaukulang piyansa na Php.18,000.00 para sa pansamatalang kalayaan ni Atillano.

Agad na dinala ng kapulisan sa korte ang suspek matapos itong maaresto bandang alas 9:15 ng umaga sa kanilang bahay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *