Connect with us

Aklan News

ISA PATAY, ISA SUGATAN SA BANGAAN NG PICK UP AT MOTORSIKLO

Published

on

Isa ang patay habang isa ang sugatan sa banggaan ng pick up at motorsiklo bandang alas 9:00 kahapon ng umaga sa highway ng Cabangila, Altavas.

Nakilala ang biktimang binawian ng buhay na si Jesus  Bolivar Paderes, 29 anyos na angkas ng motorsiklo na minamaneho ng biktima ring si Jeffrey Pillo Villanueva, 48 anyos, parehong residente ng Proper 2 Cabangila, Altavas.

Nakilala rin ang driver ng nakabanggang Ford Ranger na si Joel Solitario Ofianga, 47 ng Zone 5, Sitio Bolabog, Boracay.

Base sa imbistigasyon ng Altavas PNP, galing Iloilo papuntang Kalibo ang pick up nang makatulog umano ito, rason na nawalan ng kontrol sa pagmamaneho at nabangga sa kabilang lane ang nagmomotorsiklong mga biktima na papunta naman sa direksyon ng Iloilo.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, sinasabing nilipad ng ilang metro ang dalawa at nagtamo ng malubhang pinsala sa kani-kanilang katawan.

Samantala, kaagad namang dinala sa Altavas Hospital ng mismong driver ng pick up ang mga biktima.

Kinalaunan, hiniling mismo ng pamilya ng mga biktima na irelease sa kostodiya ng Altavas PNP ang driver ng nasabing Ford Ranger.

Samantala, kasalukuyang naghaharap sa himpilan ng Altavas PNP Station ang pamilya ng mga biktima at ang driver ng Ranger para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *