Connect with us

Aklan News

MOST WANTED PERSON SA CAPIZ SA KASONG ATTEMPTED MURDER ARESTADO SA ILOILO

Published

on

DUMALAG CAPIZ – Arestado ang top 5 Most Wanted Person ng Dumalag, Capiz sa kasong attempted murder sa lalawigan ng Iloilo ngayong umaga.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang akusado na si Jerry Fausan y Rolan, residente ng Brgy. San Miguel sa bayan ng Dumalag.

Ikinasa ng Dumalag PNP at Iloilo Provincial Mobile Force Company ang pag-aresto sa akusado sa bayan ng Sara, Iloilo matapos mabatid na nagtatago roon ang akusado.

Napag-alaman na taong 2009 pa nang ilabas ng Regional Trial Court sa Capiz ang kanyang kaso.

Php120,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa kanyang paglaya.

Pansamantalang nasa pangangalaga ngayon ng Dumalag PNP ang lalaki at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *