Connect with us

Aklan News

2 LALAKING NAGPAHIYA NG ISANG KAP MEMBER, NAG-PUBLIC APOLOGY

Published

on

Photo|Kalibo PNP

Kalibo, Aklan – Maemosyonal na tinanggap ni KAP Irene Dela Cruz ang paghingi ng tawad ng dalawang netizen kaugnay ng kanilang pag post ng kanyang litrato at maling impormasyon sa social media.

Humingi ng paumanhin sa harap ni KAP Dela Cruz sina Gerald Moises at Windel Nagamos kahapon sa Kalibo PNP.

Maliban dito, nagpost rin ang mga ito sa kani-kanilang mga facebook account ng paghingi nila ng paumanhin.

Magugunitang nagpost sina Moises at Nagamos ng litrato ni KAP Dela Cruz na nakasakay sa motorsiklo na walang suot na helmet na umani ng pambabatikos at pananakot mula sa mga netizens.

Kalaunan ay nilinaw ni Dela Cruz na luma na ang larawan na kinuha pa noong 2016 at hindi aniya kanya ang nasabing motorsiklo bagkus ay nahuli ito sa checkpoint at sinakyan para dalhin sa PNP station.

Maituturing na lesson learned na di umano ito sa kanilang dalawa na mag-isip muna bago mag post sa social media.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *