Connect with us

Aklan News

DAHIL SA ULAM, LALAKI NAGBIGTI

Published

on

New Washington, Aklan – Pagkatapos ng apat na tangkang pagpakamatay ay tuluyan ng binawian ng buhay ang isang 31 anyos na lalaki sa Dumaguit, New Washington.

Kinilala ang biktimang si Chris John alyas “Janjan”, may ka live-in partner at residente rin ng naturang lugar.

Natagpuan ang bangkay ng biktima pasado alas-3 kaninang madaling araw ng kanyang tiyuhin sa loob mismo ng bahay nito.

Sa inisyal na report, nagkaroon diumano ng pagtatalo ang biktima at ang kanyang ka live-in partner noong nakaraang sabado at nasundan pa kahapon ng tanghali.

Kaya umalis ng bahay ang misis nito dala ang kanilang 3 buwang anak.

Ayon sa pamilya ng biktima madalas na nag-aaway ang mag live-in dahil lamang sa ulam.

Kinumpirma naman ito ni Jonalyn, 23 anyos ng Brgy. Cauyan, New Washington, live-in partner ng biktima subalit hindi lamang umano ito ang dahilan ng kanilang madalas na pagtatalo.

Ayon sa kanya, madalas itong lasing. Hindi naman umano lingid sa kanya ang makailang beses nitong pagtatangka na magpakamatay sa tuwing nalalasing.

Pero hindi niya daw akalain na ang hindi nila pagkakaunawaan kahapon ang siyang magiging dahilan ng pagpapakamatay nito.

Sa kabila nito, humingi siya ng patawad sa pamilya ni “janjan”.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng SOCO ukol sa nangyari.

Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na walang foul play sa pagkamatay nito.

Years/background in Media works: 22 years
Why chose this profession: It's my DESTINY
Principle in life: Never expect. Never assume. Never ask. And never demand. Just let it be, if it's meant to be, it will happen.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *