Connect with us

Aklan News

7 SUGATAN SA MAGKAHIWALAY NA AKSIDENTE

Published

on

Kalibo, Aklan – Kapwa bumagsak sa ospital ang dalawang drayber ng motorsiklo makaraang magsalpukan kagabi sa kahabaan ng Brgy. Estancia, Kalibo.

Kinilala ang mga biktimang sina Romulo Mationg, 39 anyos, ng Andagao, Kalibo at Arnel Ritos Jr., nasa legal na edad.

Ayon sa report, baybay ni Mationg ang daan mula sa Banga pa Kalibo nang aksidente itong masalpok sa likod ng kasunod na motor na minamaneho ni Retos.

Parehong tumumba ang dalawa at dinala sa Aklan Provincial Hospital.

Maliban dito, sugatan din ang tatlong rider ng motorsiklo sa aksidente alas-dos kaninang madaling araw sa Brgy. Union, Nabas.

Nakilala ang mga biktimang sina Chris Casimero, 18 anyos, ng Caticlan Malay at ang mga kasamahan nitong sina John David Perolino at Dennis Ong.

Mula sa isang sayawan ang tatlo sa Rizal, Nabas at pauwi na ng mawalan ng balanse sa motorsiklo at sumemplang sa kalsada.

Samantala, kasalukuyang naka-confine rin sa ospital ang dalawang lalaking menor de edad matapos madisgrasya dakong alas-1:30 kahapon sa Brgy. Julita, Libacao.

Napag-alaman na mula ang mga biktima sa Julita at papunta ng Aklan River sakay ng motor upang maligo subalit aksidente silang nabangga nga isang motorista.

Nagtamo sila ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan at kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *