Connect with us

Aklan News

BAHAY NA GINAWANG BOARDING HOUSE, NASUNOG

Published

on

UPDATED

Nasunog ang isang boarding house at bahay pasado alas 10:00 kagabi sa corner Acevedo St., at 19 Martyr’s St., Poblacion, Kalibo.

Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng BFP Kalibo, sinasabing nagsimula ang apoy sa nasabing boarding house na pinagmamay-ari ni Jose Magluyan Gonzales/Maria Luz Gonzales.

Gawa sa light materials ang boarding house kung kaya’t mabilis na lumaki ang apoy at dinamay ang katabing bahay ng mga Gonzales.

Kaagad namang rumesponde ang mga bombero at mga rescuers kung kaya’t mabilis na naapula ang apoy.

Nabatid na nasunog ang buong boarding house habang partially burned naman ang bahay.

Tinatayang nasa P200,000.00 ang halaga ng pinsalang iniwan ng nasabing sunog.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *