Connect with us

Aklan News

CONSTRUCTION WORKER, SINUNTOK AT TINUTUKAN NG BARIL

Published

on

Photo from the web.

Numancia, Aklan – Isang construction worker ang sinuntok at tinutukan ng baril bandang alas-11:28 kagabi sa isang lamay sa Brgy. Poblacion, Numancia.

Ang biktima ay nakilalang si Noel Yerro Nemis at residente ng Brgy. Dongon West, Numancia at si Marbon Yerro naman ang kanyang itinurong suspek.

Batay sa inbestigasyon ng mga rumesponding pulis, bigla na lamang sinuntok ng suspek at tinutukan ng baril ang biktimang noon ay lasing at naglalaro ng kara y cruz.

Tinamaan ng suntok sa mukha ang biktima at nagresulta iyon ng takot sa mga taong nasa lamay.

Tumakas ang suspek ng may dumating na pulis at ang biktima naman ay dinala sa ospital para magamot at pinauwi habang ang reklamo ay ipapasa Brgy. Justice System para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *