Connect with us

Aklan News

ANIM, ARESTADO SA ILEGAL NA SUGAL

Published

on

Kalibo-Anim ang arestado bandang alas 4:00 kaninang hapon matapos mahuli umano sa aktong pagsusugal sa isang eskinita sa Inocencio Road, Estancia, Kalibo.

Nakilala ang mga suspek na sina Jobani Urquila, 57 anyos; Gina Francisco Quimpo, 43 anyos; Juben Zapico Arias, 38 anyos; Noel Balaza Tumacas, 48 anyos; Thelna Redaniel Ibutnande, 60 anyos at Janita Zapico Arias, 59 anyos lahat residente ng nasabing lugar.

Narekober mula sa mga suspek na naglalaro ng tong-its sa dalawang magkahiwalay na lamesa ang 2 sets ng mga baraha at kabuuang P312.00 na pera.

Pansamantala silang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling ang mga suspek.

Napag-alamang inireklamo ng ilang residente sa lugar ang pagsusugal ng mga suspek lalo pa’t nakikita ang mga ito ng mga bata.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *