Connect with us

Aklan News

(UPDATE)Septic tank sa Kalibo Airport, hindi nag overflow -CAAP

Published

on

Kalibo – Hindi umano nag-overflow ang septic tank sa arrival area ng Kalibo International Aiport kaninang umaga.

Ayon kay Engr. Eusebio Monserrate ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Aklan, nagka pipe burst o pumutok umano sa septic tank rason na nagleak palabas ang tubig sa domestic arrival area.

Subalit kaagad din umano nila itong inaksyunan kasama ang mga taga aircraft rescue and firefighting unit ng airport.

Ayon kay Monserrate, dekada 80 pa umano ang mga pipes ng septic tank rason na tumagas na ang tubig dito.

Sinabi pa niya na kasama na rin sa mga inaayos na pasilidad ng airport ang tumagas na tubo ng septic tank.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *