Connect with us

Aklan News

LALAKING TUMAWID NG KALSADA, NAHAGIP NG MOTOR

Published

on

Balete – Na dislocate ang kaliwang bukong-bukong ng isang lalaki matapos mahagip ng motorsiklo habang tumatawid ng kalsada bandang alas 3:30 nitong hapon sa Sitio Miyerkulesan, Aranas, Balete.

Kinilala ni Police Staff Sergeant Jameo Mondia ng Balete PNP ang biktimang si Alejano Nicolas Resulta, 50 anyos ng nasabing lugar.

Nakilala rin ang driver ng motorsiklong si Erwin Orines Bautista, sa legal na edad ng Magpag-ong, Batan.

Base sa imbestigasyon ng pulis, tumawid sa kurbadang kalsada ang biktima subalit hindi umano nito napansin ang paparating na motorsiklo rason na nahagip siya nito.

Nagtamo rin ng pinsala sa katawan ang driver ng motorsiklo kung kaya’t pareho silang dinala sa ospital.

Hinihintay pa ng pulis ang magiging disposisyon ng biktima sa nakaaksidenteng driver.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *