Connect with us

Aklan News

EX-BOYFRIEND INIREKLAMO NG PANANAKIT NG EX-GIRLFRIEND

Published

on

Photo from the web.

Numancia, Aklan – Kalaboso ang isang 44 anyos na lalaki matapos ireklamo ng pananakit ng kanyang dating nobya Martes ng gabi sa Brgy. Camanci, Numancia.

Ang suspek ay kinilalang si James Necodemus ng Brgy. Camanci Norte, Numancia at ang biktima ay ang ex-girlfriend nitong si Alicia Vega isang 43 anyos, residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, nakipag-inuman si Alicia sa bahay ng kanyang kaibigan kung saan dumating ang suspek at nagwala.

Hinawakan di umano niya ito at hinila palabas saka nagbanta na papatayin na lang niya ito kung sa ibang lalaki rin lang ito mapupunta.

Nagtamo ng sugat sa mukha ang biktima dahil sa ginawa ng suspek.

Inaresto naman ng mga rumespondeng kapulisan ang suspek subalit agad naman itong nakalaya kahapon matapos maareglo ang gusot sa bawat isa sa harap ng Womens and Childrens Protection Desk ng Numancia pulis.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *