Connect with us

Aklan News

4 PCG VESSELS, HINILING NI AKLAN 2ND DIST. CONG. TED HARESCO SA DoTR

Published

on

Humiling ng apat (4) na Philippine Coast Guard vessels si Aklan 2nd Dist. Cong. Teodorico “Ted” Haresco kay Department of Transportation Sec. Arthur Tugade para gamiting pang patrolya sa karagatang sakop ng Isla ng Boracay lalo na sa lugar kung saan nangyari ang trahedya ng pagkalunod ng 7 sa 21 myembro ng Dragon Boat Team noong nakaraang Setyembre 25, 2019.

Ayon kay Cong. Haresco ang nasabing mga patrol vessels ang siyang gagamitin sa pag monitor ng mga dragon boat activities at iba pang sasakyang pandagat sa lugar ganon din sa pag responde sa mga emergencies at pag rescue sa mga biktima ng aksidente at iba pang trahedya sa dagat.

Dagdag pa ng kongresista na layunin nito na ma protektahan ang buhay at propyedad ng kanyang nasasakupan sa pamamagitan ng tamang regulasyon sa tulong ng makabagong teknolohiya sa lahat ng transportasyon at aktibidad pandagat.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *