Connect with us

Aklan News

2 PATAY SA SALPUKAN NG MOTORSIKLO AT VAN

Published

on

Kalibo, Aklan – Dalawa ang patay sa salpukan ng motorsiklo at van bandang alas 3:00 kaninang madaling araw sa Feliciano, Balete.

Sa report ng Balete PNP, dead on arrival sa pribadong ospital ang nakaangkas sa motor na si Jemar Quirino Elias, habang sa provincial hospital naman binawian ng buhay ang driver na si Marold Dela Vega Quirino, pawang 23 anyos at residente ng Cortes, Balete.

Nakilala naman ang driver ng van na si Norie Arboleda Gregorio, 49 anyos ng Magpag-ong, Batan., galing sa Madalag ang mga biktima at mga kasama nilang nagmomotorsiklo nang makabanggaan umano nila ang van.

Ayon kay PSSGT. Jameo Mondia, galing sa Madalag ang mga biktima at mga kasama nilang nagmomotorsiklo nang makabanggaan umano nila ang van.

Ayon sa mga kasama ng mga biktima, umagaw sa kanilang lugar ang van rason ng nasabing banggaan.

Samantala, sumuko umano kinalaunan sa Balete PNP Station ang driver matapos umano  nitong iwanan ang minamanehong van at tumakas.

Kaugnay nito, inihahanda na ng Balete PNP ang kasong Reckless Imprudence Resulting to Multiple Homicide and Damage to Property na isasampa laban sa drayber.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *