Connect with us

Aklan News

WELDER NAKURYENTE, PATAY

Published

on

Banga – Patay ang isang welder matapos makuryente bandang ala 1:30 kahapon ng hapon sa isang ginagawang gasolinahan sa Tabayon, Banga.

Kinilala ni Police Staff Sergeant Randy de Pablo ng Banga PNP ang biktima na si Warren Fenis Parenas, 27 anyos ng Bag-ong Barrio, Tapaz, Capiz.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagkakabit ng steel roof truss ang biktima nang aksidente umano nitong mahawakan ang live wire na nakakabit sa welding machine.

Dahil dito, nakuryente ang biktima at nauna ang ulong nahulog mula sa mahigit 4 na metrong taas na pinapatungan nito.

Kaagad isinugod sa ospital ang biktima dahil sa tinamo nitong head injury subalit wala na umano itong buhay pagdating doon.

Samantala, nangako naman umano ng tulong pinansyal sa pamilya ng biktima ang kanyang pinagtatrabahuan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *