Connect with us

Aklan News

PNP MALAY CHIEF, NAKABARIL NG UMATAKENG MAY KAPANSANAN SA PAG-IISIP

Published

on

Nabaril ni Police Major Jess Baylon ang kanyang kamag-anak na kinilalang si Dennis Baylon, 27 anyos at residente ng Barangay Tinio-an, Cabatuan.

Ayon sa nanay ng biktima, pumasok ang kanyang anak sa bahay ni Major Baylon kung saan doon makailang beses na nabaril sa paa ang biktima na may diperensya sa pag-iisip.

Depensa naman ni Baylon, nagwala ang biktima sa loob ng kanilang bahay, sa nabanggit ring lugar, na may dalang bato at botelya.

Binato di umano nito ang kanyang asawa na tinamaan sa ulo dahilan na mawalan ito ng malay.

Habang tinutulungan niya ang kanyang asawa ay akmang aatake pa sana si Dennis kaya’t napilitan siyang barilin na lamang ito sa paa.

Dinala ang biktima sa Ramon Tabiana Memorial Hospital habang kusa namang sumuko si Police Major Jess Baylon sa Cabatuan PNP.

Nabatid na naka mandatory leave ngayon si Major Baylon dahil sa kaarawan ng kanyang nag-iisang anak.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *