Connect with us

Aklan News

DRUM NA NAGLALAMAN UMANO NG USED OIL, NATAGPUAN SA DALAMPASIGAN

Published

on

Photo| Florence Bangud

Boracay Island – Naiahon na at hindi na makapagdudulot ng peligro sa dagat ang isang drum na natagpuan bandang alas 10:40 kaninang tanghali sa Sitio Tambisaan, Manoc-manoc, Boracay.

Ayon kay Patrolman Clayford Tabilona ng Malay PNP Substation 1,nasa dalampasigan na umano ang nasabing drum nang matagpuan at pinaniniwalaang naglalaman ng used oil.

Pinagtulungan umano ito ng mga pulis at ilang concerned citizen na maiahon at ikinarga sa truck ng LGU.

Nabatid na wala namang naiwang tagas sa dagat ang drum nang iaahon kanina at dalhin sa Sitio Bung-aw, Manoc-manoc.

Patuloy pang iniimbistigahan kung kanino at saan galing ang nasabing drum na nagdulot ng pagkabahala sa ilang residente sa lugar.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *