Connect with us

Aklan News

MAGSASAKA PINAGTUTULUNGANG TAGAIN NG TATLONG MAGKAKAPATID!

Published

on

SIGMA, Capiz – Pinagtutulungang tagain ng tatlong magkakapatid ang isang magsasaka sa Sitio Sinamongan, Brgy. Bangon-bangon, dito, nakaraang gabi.

Nakilala ang biktimang si Richard Danieles Voluntad, 44 taong gulang, isang magsasaka sa nasabing lugar. Samantalang ang mga suspek ay kinilalang ang magkakapatid na sina Ricky Vargas Balisot, 42 taong gulang, manggagawa, Ronnie Vargas Baliscot, magasasaka, at Edwin Vargas Baliscot, 27 taong gulang at may kinakasama, lahat mga residente ng Brgy. Duyoc, Dao, Capiz.

Lumalabas sa imbestigayon ng Sigma Police Station, sumasakay sa kanyang motorsiklo ang biktima at inabangan ito sa isang bahagi ng kalsada at tinaga sa likurang bahagi ng kanyang katawan. May tama din ng pagtataga ang biktima sa kanyang kanang kamay. Dali-daling dinala sa Dao District Hospital ang biktima ngunit inilipat din ito sa Capiz Doctors Hospital.

Samantalang nadakip at naaresto naman ang mga suspek at dinala sa Sigma Police Station para maproseso ang kaukulang demanda laban sa kanila.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *