Connect with us

Aklan News

MISTER, HULI SA AKTO NI MISIS NA KASAMA ANG KANYANG KALAGUYO

Published

on

Boracay – Kalaboso ang isang 36 anyos na mister kasama ang kanyang 34 anyos na kalaguyo matapos mahuli ng isang 37 anyos na misis sa isang boarding house sa Sitio Malabunot Manacmanoc Boracay.

Nahuli ang mister at kanyang kalaguyo matapos magsumbong ang misis sa Malay PNP mga dakong alas 12:30 Linggo ng umaga.

Kaagad pinuntahan ng mga pulis ang kinaroroonan ng mister at kalaguyo nito kung saan laking gulat ng dalawa ng maaktuhan sila sa loob ng kwarto na magkasama at walang suot pang- ibaba ang kalaguyo.

Nagtangka pang tumakas ang mister sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana pero nahuli din ito ng mga pulis at tanod na nakabantay sa labas.

Ang mister ay isang driver at isang masahista naman ang kanyang kalaguyo.

Kaagad silang ikinustodiya ng Malay PNP sa isla ng Boracay at nitong umaga ay dinala na sa bayan ng Kalibo upang sampahan ng kasong concubinage.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *