Connect with us

Aklan News

DAHIL SA LANZONES, BINATILYO TINAGA

Published

on

Makato, Aklan – Isang binatilyo ang tinaga matapos itong mapagbintangan na nagnakaw umano ng lanzones kahapon sa Poblacion, Makato.

Ang 15 anyos na biktima ay residente ng Sitio Libuton, Poblacion, Makato.

Pahayag ng biktima, naglalakad lang siya kasama ang kanyang mga kaibigan ng biglang sumulpot sa kanyang likod ang di kilalang suspek at tinaga siya sa kanang balikat, at tenga.

Naniniwala ang biktima na may kinalaman ito sa lanzones na ninakaw ng kanyang mga kaibigan.

Ayon sa biktima, wala siyang kinalaman sa pagnanakaw ng lanzones ng mga ito at nadawit lang siya.

Sa ngayon ay patuloy na nagpapagaling ang biktima sa ospital.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *