Connect with us

Aklan News

MDRRMO RESCUE TEAM MEMBER, PATAY SA AKSIDENTE

Published

on

NEW WASHINGTON-Dead on arrival sa ospital ang isang miyembro ng New Washington MDRRMO matapos maaksidente bandang alas 7:40 kagabi sa Ochando, New Washington.

Kinilala ni Police Corporal John Lee Valencia ng New Washington PNP ang biktimang si Sherlito Ilig Zonio, 34 anyos ng Dumaguit, New Washington.

Base sa imbestigasyon ng pulis, nagmamaneho ng traysikel mula sa Libacao ang biktima nang dumaan pa umano ito sa kanilang opisina sa MDRRMO.

Pinagsabihan na umano ito ng kanyang mga kasamahan na huwag nang magmaneho dahil sa labis umano nitong kalasingan, subalit hindi umano siya nagpapigil.

Kasunod nito, aksidente umano niyang nasagi ang nakaparadang traysikel sa gilid ng kalsada dahilan upang bumaligtad ang minamaneho niyang traysikel at naipit ng bahagi ng bubong ang kanyang ulo.

Isinugod pa umano siya sa ospital ng mismong mga kasama sa MDRRMO, subalit wala na itong buhay pagdating doon.

Ikinalungkot naman ng kanyang mga kasama sa MDRRMO ang nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *