Connect with us

Aklan News

3 SUGATAN SA PANANAGA

Published

on

Malinao – Tatlo ang sugatan at isinugod sa ospital dahil sa insidente ng pananaga bandang alas 10:30 kagabi sa Sitio Aguantia, Bulabod, Malinao.

Kinilala ni PLt. Jose Ituralde ng Malinao PNP ang mga biktimang sina Robert Tayco Tiongson, 55 anyos; kapatid niyang si Dolpino, 44 anyos at ang pamangkin nilang si Reynold Tiongson Gregorio, 19 anyos, lahat residente ng Capataga, Malinao.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan, umuwi silang tatlo sa bahay ni Dolpino matapos ang kanilang inuman.

Subalit nabitin pa umano ang pamangkin nilang si Reynold kaya humingi pa ito sa kanila ng alak.

Kasunod nito, nagtalo umano ang magtiyuhing Robert at Reynold kung saan kinuwelyuhan at tinangkang gigilitan ng leeg ni Reynold si Robert gamit ang espading.

Nakita naman ito ni Dolpino, rason na inawat niya si Reynold ngunit hindi rin ito nakinig.

Umatras si Dolpino at nagulat na lamang umano siya nang mapansing duguan na ang leeg ng kanyang kuya.

Kasunod pa nito, nagtagaan sina Dolpino at Reynold kung saan tinamaan si kaliwang kamay si Dolpino habang sa ulo naman ang sugat ni Reynold.

Samantala sa ospital, kinumpirma umano ng mga biktima kay Ituralde na hindi sila magsasampa ng kaso sa isa’t-isa lalo pa’t aminado silang epekto lamang ng alak ang nangyari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *