Connect with us

Aklan News

PUTOL NA GROUND NG KURYENTE KUMITIL NG ISANG BUHAY

Published

on

DUMARAO, Capiz – Patay sa pagka kuryente ang isang 39 taong gulang na biktima dito sa Brgy. Salcedo kahapon ng hapon.

Ang biktima ay si Elesito Obarda Bediqa, residente nabanggit na lugar.

Ang pangyayari ay ipinabatid sa Dumarao Police Station ni FINSP Diosdado Hadcan, hepe ng Dumarao Fire Station.

Sa pag-imbestiga ng mga kapulisan, napag-alaman na inaayos ng biktima ang naputol na ground ng linya ng kanyang kuryente ngunit sa halip na maayos ito, siya ay aksidenteng nakuryente.

Dali-dali namang dinala ang biktima sa Dumarao Medical Hospital ngunit siya ay idineklarang dead on arrival (DOA) ni Dra. Marites Malicudio, ang attending physician ng nasabing pagamutan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *