Connect with us

Aklan News

PULIS, SINUNTOK NG LASING SUSPEK ARESTADO

Published

on

Kalibo, Aklan – Arestado ang isang lasing matapos suntukin ang isang pulis pasado alas 2:00 kaninang madaling araw sa isang sayawan sa Estancia, Kalibo.

Nakilala ang pulis na si Police Chief Master Sergeant Ronald Macario ng Kalibo PNP Station at ang suspek na si Christopher Arboleda Advincula, 32 anyos ng 19 Martyrs St., Poblacion, Kalibo.

Base sa report ng Kalibo PNP, nakaduty doon si Macario kung saan ginaganap ang Gibuman Festival nang lumapit umano ang lasing na suspek.

Hinawakan umano nito ang baril ni Macario, subalit hindi niya ito pinansin.

Ilan sandali pa, lumapit umano ang suspek sa likuran ni Macario at malisyoso niya itong sinayawan, rason na umiwas na papunta sa gitna ng dance area ang nasabing pulis, habang itinuturo at pinagtatawanan siya ng suspek.

Sinundan pa siya nito, sinuntok sa ulo at hinila rason na pareho silang tumumba.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa katawan si Macario na minarapat namang magpagamot sa ospital.

Samantala, kaagad namang inaresto ang suspek at pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *