Connect with us

Aklan News

NAKATAKAS NA PRESO SA ARC, BALIK-KULUNGAN NA

Published

on

Kalibo, Aklan – Balik-kulungan na ang isang presong nakatakas mula sa Aklan Rehabilitation Center nitong nakaraang sabado.

Ayon sa pahayag ni Aklan Provincial Jail Warden Pedrito Escarilla, matagumpay nilang naibalik sa kulungan ang takas na si JR Isago Ruiz na nakulong dahil sa kasong rape.

Nahuli si Ruiz sa manhunt operation na kanilang isinagawa kaninang alas-6 ng umaga sa Brgy. Cabayugan, Malinao.

Patuloy di umano ang ginagawang imbestigasyon upang malaman ang dahilan kung bakit at paano nakatakas si Ruiz.

Siniguro rin ni Escarilla na mananagot ang sinumang may pagkukulang sa naturang insidente.

Matatandaan na nakatakas ng ARC ang suspek nitong sabado sa kasagsagan ng kanilang isinasagawang religious activity.

PANOORIN| NAKATAKAS NA PRESO SA ARC, BALIK-KULUNGAN NA

PANOORIN| NAKATAKAS NA PRESO SA ARC, BALIK-KULUNGAN NAAlamin kung paano nahuli ang tumakas na preso na si JR Isuga Ruiz na nakulong dahil sa kasong rape.

Posted by Radyo Todo Aklan 88.5 FM on Friday, September 27, 2019

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *