Connect with us

Aklan News

AMA BINANTAAN ANG ASAWA’T ANAK GAMIT ANG .38 CALIBER PISTOL

Published

on

DUMARAO, Capiz – Binantaan at tinakot ng isang ama ang sariling asawa’t anak gamit ang .38 caliber pistol, sa Brgy. Calapawan, dito kahapon nang umaga.

Ang suspek ay nakilalang si Ricky Dadivas Hallarsis, 47 taong gulang at nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Dumarao Police Station, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang suspek at ang kanyang asawang si Ma. Madelyn Candelario Hallarsis at ang kanyang anak na si Reysan Hallarsis.

Nang hindi patatalo ang suspek, kinuha nito sa loob ng kanilang bahay ang .38 na kalibre na armas at hinabol ang kanyang mag-ina sabay panakot  sa kanila.

Humingi ng tulong ang mag-ina sa kanilang kapitan ng barangay na si Rene Diez na siya ring tumawag ng saklolo sa mga kapulisan sa bayan ng Dumarao.

Sa pagresponde ng mga kapulisan, kasama si Barangay Kagawad Rey Dela Cruz at barangay tanod Raymund Hibalo na nag-aresto sa suspek, nakuha sa kanya ang isang armas na .38 caliber at may dalawang live ammunition.

Matapos  mabasahan ang suspek ng kanyang Constitutional rights ay agad itong dinala sa police station upang maproseso ang kaukulang demanda laban sa kanya.

Program/Beat: TODO Komentaryo Years/background in Media works: 27 yearsWhy chose this profession: IT’S MY PASSION. Principle in life: EVERYTHING CAN BE LEARNED. CONTINUE LEARNING WHILE STILL LIVING.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *