Connect with us

Aklan News

LASING NAKASAMANG NATUPOK SA NASUSUNOG NIYANG BAHAY.

Published

on

DUMARAO, Capiz – Isang lasing na pinaghihinalaang naninigarilyo habang natutulog ang kasamang natupok habang nasusunog ang kanyang bahay sa Sitio Cabangahan Dako, Brgy. Jibato, Dumarao bangdang 3:35 nang hapon kahapon.

Ang biktima ay nakilalang si John Mark Malones, 48 taong gulang at nakatira sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Dumarao Police Station, umuwi ang biktima galing sa isang inuman bandang ala una nang hapon at nagtulog ito sa kanyang bahay.

Bandang 3:35 nang hapon, napansin na lang ng kanyang kapitbahay na si Romelyn Malones na nasusunog na ang bahay at may mga pagputok pang narinig habang nilalamon ng apoy ang bahay.

Tinangka ng mga kapitbahay na apulahin ang apoy ngunit dahil ito ay gawa sa mga light materials, wala silang nagawa at dali-daling natupok ng apoy ang naturang bahay.

Matapos maapula ang apoy, doon na lamang nila napansin na nakasama ang biktimang masunog at nakita itong nakahiga pa sa higaan ang sunog na katawan ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *