Connect with us

Aklan News

LALAKI, TINAGA NG BAYAW

Published

on

Libacao, Aklan – Isinugod sa ospital ang isang lalaki matapos tagain bandang alad 11:00 kaninang tanghali sa Sitio Eakya, Alfonso 12, Libacao.

Kinilala ni Police Staff Sergeant Caron Mayor ng Libacao PNP ang biktimang si Ernie Balontong Zonio, 38 anyos, at ang suspek na kanyang bayaw na si Eddie Inosanto Lanciso, 54 anyos at pawang mga residente ng nasabing lugar.

Base sa imbistigasyon ng pulis, nag-inuman ang biktima at suspek, nang nagdiskusyon umano ang biktima at kanyang manak sa di natukoy na dahilan.

Subali’t nakialam umano ang suspek kung saan bumunot ito ng kanyang itak.

Mabilis din umanong kumuha ng kahoy bilang panggalang ang biktima, subali’t naputol umano ito nang tagain siya ng suspek rason na tinamaan siya sa kanang hita.

Naaresto naman ang suspek sa kanyang bahay nang respondehan ng mga pulis at pansamantalang ikinostodiya sa Libacao PNP Station pati na ang kanyang itak na humigit-kumulang 17 pulgada ang haba.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *