Connect with us

Aklan News

GRO SA BORACAY, TIMBOG SA ILLEGAL DRUGS BUY BUST

Published

on

Malay, Aklan – ARESTADO ang 21 anyos na babae matapos itong mabilhan ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy bust operation ng mga kapulisan sa Sitio Logutan, Manocmanoc, Boracay island.

Kinilala ang suspek na si Kezia Anne Mikaela Villanueva, residente rin ng Malabunot, Manocmanoc.

Nakuha mula sa kanya ang P2200 na buy bust money kapalit ang apat na sachet ng shabu.

Nadagdagan pa ito ng limang sachet na nakuha sa kanyang bag sa isinagawang body search.

Sa panayam ng Radyo Todo sa biktima, itinanggi nito na kanya ang narekober na mga droga.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *