Connect with us

Aklan News

BABAENG ILEGAL NA NAGPATAYA NG STL, ARESTADO

Published

on

Kalibo, Aklan – Arestado bandang alas 12 nitong tanghali sa Purok 2, C.Laserna St., Kalibo ang isang babae dahil sa ilegal na pagpapataya ng STL o Small Town Lottery.
Nakilala ang suspek na si Edelyn Rasgo, 49 anyos ng nasabing lugar.

Sa joint operation ng CIDG at Kalibo PNP, naaresto ang suspek at narekober ang kabuuang P375.00 na pera at assorted gambling paraphelnalia.

Bagama’t aminado naman ang suspek sa kanyang naging aktibidad, sinabi nito na nagsimula lamang siyang magpataya ng STL dahil tinawagan umano siya ng isa sa kanyang kasama sa STL na magbabalik na umano ang kanilang operasyon.

Aminado rin siya na hindi siya naka ID at hindi naka uniporme nang magpataya siya kagabi.

Kaugnay nito, pansamantala siyang ikinostodiya sa Kalibo PNP para sa karampatang disposisyon.

Kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal ang kakaharaping kaso ng suspek na napag-alamang lehitimo namang koridor ng STL subali’t natigil lang nang ipahinto ito ni Presidente Duterte nitong nakaraang buwan ng Hulyo at hindi pa nabibigyan ng permiso ng PCSO ang operator sa Aklan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *