Connect with us

Aklan News

TATLO, SUGATAN SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO

Published

on

Kalibo, Aklan – Tatlo ang sugatan sa aksidente sa motorsiklo dakong alas 7:25 kagabi sa highway ng Barangay Pook, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Dan Benedick Andrade Bernas, 16 anyos, driver ng motorsiklo, at mga angkas nitong sina Lorenz Idurot Orbien, 18 anyos at Peter Andre Arellano Concepcion, 20 anyos lahat residente ng nasabing lugar.

Base sa imbistigasyon ng Kalibo PNP, nasa highway umano ang nasabing motorsiklo at sumusunod sa isang bus na minamaneho ni Celis Pamatian Inocencio Jr. ng Bagto, Lezo na papunta sa direksyon ng New Washington.

Lumiko umano ang bus pakanan papunta sa kanilang terminal nang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Bernas.

Resulta, sumemplang sila sa kalsada at nagtamo ng sugat sa kanilang katawan rason naman na dinala sila at ginamot sa provincial hospital.

Pansamantalang ikinostodiya sa Kalibo PNP Station ang naaksidenteng motorsiklo para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *