Connect with us

Aklan News

SB MEMBER NG IBAJAY, NAAKSIDENTE SA MOTOR

Published

on

Makato, Aklan – PATULOY na ginagamot sa hospital sa Iloilo si Ibajay SB member Mihrel Senatin matapos maaksidente sa minamanehong motor sa Brgy. Dumga, Makato.

Ayon sa imbestigasyon ng Makato PNP, bandang alas 6 y media ng gabi noong Sept. 18 ay nabangga ni Senatin ang sinusundan nitong motor na sinasakyan ng mag-asawang Isidro at Evangelyn Quirino sa national highway ng Brgy. Dumga.

Galing sa Ibajay si Senatin at patungo sa direksyong Kalibo samantala patungo naman sa Poblacion Makato ang motor ng mag-asawa.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang tatlo at nagtamo ng mga pinsala sa katawan.

Mabilis naman na rumesponde ang Makato Rescue Team at dinala sila sa ospital sa Kalibo.

Kalaunan ay dinala sa isang private hospital sa iloilo si SB member Senatin dahil sa malalang sugat na tinamo nito sa ulo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *