Connect with us

Aklan News

SABAY-SABAY NA PAGPAPATUPAD NG APAT NA SEARCH WARRANT NAGING MATAGUMPAY

Published

on

PONTEVEDRA, Capiz – Naging matagumpay ang sabay-sabay na pagpatupad ng apat na hiwalay na Search Warrant  laban kina Ricardo Bajador Biclar, alyas Ricky na Search Warrant No. 07-2019; Remuel Aldea Mayo alyas Remrem na may Search Warrant No. 10-2019; Jerick Bajador Daliva alyas Botbot na may Search Warrant No. 09-2019; at Joselito Bitoon Esportuno, lahat nakatira sa Kalye 13, Brgy. Tabuc, Pontevedra kaninang madaling araw.

Ang pagpapatupad ng Search Warrant may kaugnayan sa paglabag ng mga suspek sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bago isinagawa ang sabay-sabay na pagpapatupad ng Search Warrant sa apat na mga suspek, hinati ni PCOL Julius Balano, ang over-all leader, sa apat na pangkat o grupo.

Ang Team 1 ay pinangunahan ni PMaj. Christopher Candelario, hepe ng Pontevedra Police Station na nakatalaga sa pagpatupad laban kay Ricardo Biclar. Si PCol. Julius Balano naman ang namuno sa Team 2 na nakatalaga kay Remuel Mayo at Si PCapt. Alfred De Leon naman ang namuno sa Team 3 na nakatalaga kay Jerick Daliva na pinsan ni Ricardo Biclar. Samantalang ang Team 4 ay pinangunahan ni PDEA Agent Janette Reyes.

Ang lugar kung saan isinagawa ang pagpapatupad ng Search Warrant ay barangay mismo ng ABC President ng bayan ng Pontevedra na si Punong Barangay Frederick Dullano na sumabon din sa mga suspek dahil matagal na silang pinagsabihan ng tigilan na ang kanilang illegal na gawain ngunit nagpapatuloy pa rin na naging salot na sa kanilang bayan.

Nakuha sa bahay ni Biclar ang 5 sachet ng pinaghihinalaang shabu. Isang sachet naman ng pinaghihinalaang shabu, isang lighter, at isang aluminum foil ang nakuha sa bahay ni Aldea na 8 buwan pa lang sa nasabing lugar mulang umuwi ito galling ng Maynila.

Drug paraphernalia naman ang nakuha sa bahay ni Daliva kung saan pinaghihinalaang doon ginagawa ang pot session, at 4 na sachet ng pinaghihinalaang shabu at may 3 pang walang lamang sachet na may residue pa ng pinaghihinlaang shabu ang nakuha sa bahay ni Joselito Esportuno.

Ang search Warrant ay inilabas at nilagdaan ni Hon. Judge Ignacio I. Alajar ng Regional Trial Court Roxas City Hall of Justice na may petsang Sept 23, 2019.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *