Connect with us

Aklan News

PAHINANTE NG TRAK, PATAY SA BACKHOE BUCKET

Published

on

Photo from the web.

Kalibo, Aklan – Dead-on-arrival ang isang 24 anyos na pahinante ng trak matapos tamaan ng backhoe bucket sa ulo sa Brgy. Agdugayan, Ibajay.

Kinilala ang biktimang si John Ian Daguno ng Brgy. Rizal, Ibajay habang ang operator ng nasabing backhoe ay si Melchor Tenorio, sa legal na edad ng Libertad, Antique.

Ayon sa Ibajay PNP, nangyari ang insidente dakong ala-1 kahapon habang nagkakarga sila ng buhangin sa trak.

 Hindi umano napansin ng operator ang biktima na nakatayo sa dump truck kaya’t tinamaan ito ng backhoe bucket sa ulo at nalaglag sa trak.

Mabilis na dinala ang biktima sa Ibajay District Hspital subalit idineklara itong patay.

Patuloy naman ngayon ang hot pursuit operation ng mga kapulisan sa tumakas na operator ng trak.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *