Connect with us

Aklan News

DRIVER, PATAY SA SALPUKAN NG MOTORSIKLO AT TRAYSIKEL

Published

on

Dead on arrival sa ospital ang isang driver sa salpukan ng motorsiklo at traysikel alas 4:35 kahapon ng hapon sa Libas, Banga.

Nakilala ang biktimang si Remigildo Rusia Isturis, 53 anyos ng Polocate, Banga at ang driver ng traysikel na si Vincent Retinio Romero, 46 anyos ng Agbanawan, Banga.

Ayon kay Police Staff Sergeant Danilo Masigon ng Banga PNP, nasa impluwensiya na ng alak galing sa isang birthday celebration sa Polocate ang biktima, sakay ang 12 anyos na pasahero nang aksidenteng bumangga sa kasalubong na traysikel.

Dahil dito, sumemplang sa kalsada ang motorsiklo na ikinasugat ng dalawang biktima.

Dinala pa sa isang ospital si Isturis, subali’t idineklarang dead on arrival, habang dinala naman sa provincial ang pasahero nito matapos masugatan sa mata.

Samantala, pansamantalang ikinostodiya sa Banga PNP ang traysikel at driver nito matapos ang insidente para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *