Connect with us

Aklan News

DAHIL SA ILEGAL NA PAGTITINDA NG GASOLINA, BABAE ARESTADO

Published

on

Altavas, Aklan – Arestado bandang ala 1:30 kahapon ng hapon sa Sitio Bangkerohan, Linayasan, Altavas ang isang babae dahil sa ilegal na pagtitinda umano ng gasolina.

Nakilala ang suspek na si Nelrose Andrade Zabala, 57 anyos ng nasabing lugar.

Kasama ang Altavas PNP, Provincial Highway Patrol Group, pinangunahan mismo ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group ang isang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagka kumpiska ng mga ibinibenta nitong mga gasolina.

Pansamantalang ikinustodiya ng Altavas PNP ang suspek, kasama ang mahigit 36 na litrong gasolina na nakalagay sa iba’t-ibang plastic container at nagkakahalaga lahat ng P1,825.00.

Maliban dito, narekober din ang P500.00 na marked money, P1,230.00 na kita umano nito sa gasolina, 1 calculator at walong lalagyan pa umano nito ng gasolina.

Kaugnay nito, nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa PD 1865 o Illegal Trading of Petroleum Products ang suspek na tumanggi nang magbigay ng pahayag.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *